^

Bansa

Patay, sanggol nasa ‘pork’ list ni Jinggoy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mga patay at mga sanggol ang ilan lamang sa mga nakatala bilang mga benepisyaryo ng mga proyekto ni Senador Jinggoy Estrada na pinondohan ng pork barrel ng naturang mambabatas.

Ito ang sinabi ni Atty. Vic Escalante, graft investigating at prose­cuting officer ng tanggapan ng Ombudsman sa isinagawang bail hearing ng Sandiganbayan kahapon kaugnay ng kasong plunder at graft ni Estrada na may kinalaman sa multi-bilyong pork barrel scam.

Ayon pa kay Esca­lante, wala ni isa mang local officials at benepisyaryo ng mga pro­binsiya ang nagbenepisyo sa mga proyekto ni Estrada mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilalang pork barrel.

“All the beneficiaries denied receiving the kits funded by the PDAF of Estrada. Some of them disclosed that their relatives or spouses who were also included in the list were already dead, a father of one of the listed beneficiaries said his son is only one year old and seven months,” pahayag ni Escalante sa graft court.

Sinabi ni Escalante na ang kanyang paha­yag ay resulta ng isinagawa nilang field interview at pagberepika sa mga sina­sabing benepisyaryo ng proyekto ni Estrada mula June hanggang July 2013 sa mga lugar ng Umingan, Pangasinan; Mabitac, Laguna; Agusan del Norte; Surigao del Sur; Carascal; San Agustin; Prosperidad; San Luis; Esperanza at Zam­boanga.

Anya, ang mga nakausap dito na ang ilan ay mga local officials at agriculturists ay nag­sabing hindi nakinabang sa PDAF ni Estrada.

Sinabi anya ng mga ito na hindi naipatupad sa kanilang lugar ang proyekto ni Estrada, hindi­ rin sila lumagda sa acknowl­edgment receipt at delivery report para rito.

Dapat sana’y nakapagpatupad ng livelihood program sa nabanggit na mga lugar si Estrada kaakibat ang pamamahagi ng manicure at pedicure kits at pamimigay ng mga gamit pangsaka.

Kahapon ay dumalo si Estrada sa Sandigan­bayan suot ang green polo barong. Dumalo rin sa pagdinig ang ina nitong si Dra. Loi Ejercito at kapatid na si Jude.

ESCALANTE

ESTRADA

LOI EJERCITO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SAN AGUSTIN

SAN LUIS

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with