Mas maraming CCTV camera nais ng mambabatas
MANILA, Philippines - Itinutulak ng isang mambabatas ang pagkakabit ng mas maraming close circuit television (CCTV) cameras upang mas mapaigting ang seguridad ng bansa.
Nais din ni Batangas 4th District Rep. Mark Llandro Mendoza na gamitin ang CCTV para sa road surveillance bukod pa sa pagresolba ng mga krimen.
"CCTVs provide accurate and real-time traffic situations and video information of road accidents," ani Mendoza.
"The need for 24/7 monitoring system has become necessary due to increasing criminal incidents happening everywhere," dagdag niya.
Nakasaad sa panukala ng mambabatas na tatawaging CCTV Cameras for Road Incident Monitoring Act of 2014 ang pangangailangan na makakuha ng kopya ang mga awtoridad ng kuha ng camera sa mga imbestigasyong gagawin.
Layunin ng panukala na ipatupad ito ng Department of Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Authority , Department of Transportation and Communications at ng mga local government unit.
Marami nang kaso ang napapabilis ang imbestigasyon dahil sa kuha ng mga CCTV.
- Latest