^

Bansa

Balak na pag-utang ng Pinas binara

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang plano ng gobyerno na mangutang sa local at international creditors para mapunan ang kakulangang P283.7B sa panukalang P2.6 trillion 2015 budget.

Ayon kay Colmenares, ang nasabing halaga ay katumbas ng 2 porsyentong projected Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ngayong 2014.

Masyado din umanong malaki ang nasabing halaga at ito ay tiyak na lalong maglulubog sa bansa sa utang.

Giit ni Colmenares, kung may DAP na aabot sa P144 B na sinasabing savings umano ng gobyerno mula sa mga ahensya ay bakit kakailanganin pang mangutang ng pamahalaan gayong kaya na ng nasabing halaga na bayaran ang utang ng bansa.

Mali umano na maituturing na may bilyones na savings ang pamahalaan pero nangungutang naman ng daan-daang halaga.

Tinuligsa din nito ang hindi tamang pamamahagi ng budget sa ilang mga ahensya at sobra-sobrang alokasyon na dapat sana ay inilaan ng higit sa kalusugan at edukasyon.

Bukod sa malulubog umano ng husto sa utang ang bansa ay lalo lamang nitong itatali ang ekonomiya sa mga kondisyon ng mga nagpapautang na institusyon at bansa na tiyak na kikitil sa lokal na industriya at sa kabuhayan ng mamamayan.

AYON

BAYAN MUNA REP

BINATIKOS

BUKOD

COLMENARES

GIIT

GROSS DOMESTIC PRODUCT

MASYADO

NERI COLMENARES

TINULIGSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with