^

Bansa

5 airlines lilipat sa NAIA 3

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Full blast na ngayon ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos lumipat dito ang limang malalaking international airlines mula sa NAIA Terminal 1 na tinaguriang ‘worst airport’.

Sinabi ni Connie Bungad, tagapagsalita ng Manila International Airport Authority (MIAA), ngayong araw magla-landing at aalis pabalik sa port of destination ang dalawang flights ng Delta Airlines. Kagabi ay dumating sa bansa ang Delta flight 629 at 473 galing US.

Ang KLM Royal Dutch Airlines ay lilipat sa nasabing paliparan sa Agosto 4 samantala ang Emirates Airlines ay sa Agosto 15 at sa Sept. 1 ay lilipat din ang operas­yon ng Singapore Airlines. Sa susunod na linggo ay ang operasyon ng Cathay Pacific Airways.

Gayunman, magdadagdag ng mga tauhan sa NAIA 3 ang Bureau of Customs at Bureau of Immigration.

 

vuukle comment

AGOSTO

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

CATHAY PACIFIC AIRWAYS

CONNIE BUNGAD

DELTA AIRLINES

EMIRATES AIRLINES

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ROYAL DUTCH AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with