^

Bansa

Peach color lulutang sa SONA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palulutangin ng gru­pong Gabriela ang peach color na kulay ng impeachment sa State of the Nation Address ni Pangulong Aquino sa Lunes, Hulyo 28.

“Simple at direkta ang mensaheng nais ipahayag ng peach na tradisyunal na kasuotan. Ito ay malinaw na nagpapakita ng aming pagsuporta sa pa­nawagan ng taumba­yan na dapat managot si Aquino, at ang pagsuporta ng Gabriela Women’s Party sa impeachment complaint na inihain ng mamamayan kay President Aquino,” pambungad ni Rep. Luzviminda Ilagan.

Ang mga itim na palamuti sa trahe ay nagsasa­larawan naman ng namumuong diktadurya ni Aquino at sa madilim na kinakaharap ng ating bansa kapag hinayaang mamayagpag ang korupsyon.

Inindorso ni Ilagan ang reklamo ng iba’t ibang grupo sa lantarang pag­labag sa saligang batas at pagsira sa tiwala ng publiko sa pamamagitan ng tiwaling Disbursement Acceleration Program o DAP.

Samantala, ang coral peach na tela ng kasuotan ay simbolo ng impeachment complaint na inindorso ni Rep. Emmi de Jesus.

Ang complaint ay inihain ng iba’t ibang grupo laban kay Aquino dahil sa pagreregalo ni Aquino ng soberanya ng bansa sa US, sa bisa ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), sa kabila ng pagbabawal ng Konstitusyon sa pananatili ng mga base at tropang dayuhan sa Pilipinas.

vuukle comment

AQUINO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

EMMI

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

GABRIELA WOMEN

LUZVIMINDA ILAGAN

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with