^

Bansa

FDA nagbabala sa herbal food supplement na hindi rehistrado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa mga unregistered herbal food supplement na ibinebenta online bilang food supplement.

Ayon kay FDA acting director Dr. Kenneth Hartigan-Go, panibagong advisory ang kanilang inilabas laban sa Sehat Badan, isang herbal powdered at food supplement na gawa ng PJ Nylor Koneng sa Indonesia, na patuloy na ibinebenta sa Mindanao sa kabila ng pagbabawal dito dahil hindi ligtas na inumin.

Nabatid na nagtataglay ng droga at positibo sa diclofenac sodium, ibuprofen at paracetamol ang nasabing food supplement na nabibili lamang sa mga grocery stores, malls at street vendors.

Nakasaad sa FDA advisory 2014-006 noong January 15, 2014 na hindi na maaaring ibenta ang Sehat Badan dahil na rin sa mga paglabag nito kabilang ang kawalan ng English translation sa label.

Ibinebenta rin ang Sehat Badan sa merkado bilang herbal drink at nakapagpapagaling umano ng asthma, urinary stones, allergy, impotence, rheumatism, toothache at ulcer. Subalit ang mga ito ay hindi aprubado ng FDA.

AYON

BINALAAN

DR. KENNETH HARTIGAN-GO

DRUG ADMINISTRATION

IBINEBENTA

MINDANAO

NABATID

NYLOR KONENG

SEHAT BADAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with