^

Bansa

DAP ginastos din sa research ng stem cell

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagaman at dapat lamang ilaan sa mga proyektong magpapasigla sa ekonomiya ang pondo para sa Disbursement Acceleration Fund (DAP), lumabas sa hearing kahapon ng Senate Committee on Finance na naglaan din ng pondo ang gobyerno para sa pagsasaliksik ng stem cell.

Kinuwestiyon ni Senator Nancy Binay sa kasagsagan ng hearing si Health Secretary Enrique Ona kung bakit nagkaroon ng pondo para sa stem cell.

Nagtataka si Binay kung bakit may pondong inilaan para sa stem cell therapy na kalimitang mayayaman lamang ang tumatangkilik gayong maraming ospital ng gobyerno ang kulang sa kagamitan.

Umabot sa P70 milyon ang inilaan para sa stem cell research para sa Lung Center of the Philippines.

Ipinaliwanag naman ni Ona na hindi lamang naman sa research ng stem cell ilalaan ang biniling equipment kung hindi sa iba pang pagsasaliksik.

Pero ayon kay Binay hindi naman maituturing na prayoridad ang research sa stem cell lalo pa’t maraming kulang sa serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan.

“Hindi ninyo naisip bumili ng hospital beds instead of stem cell research…priority nga di ba...Hindi ko makita ang priority,” ani Binay.

Naniniwala naman si Binay na special ang pondong inilaan para sa research ng stem cell dahil wala ito sa General Appropriations Act (GAA).

Ipinasusumite ni Binay sa Senado ang sinasabing resulta na nakuha ng DOH sa ginagawa nilang pagsasaliksik gamit ang equipment na pinondohan ng DAP. 

Kinuwestiyon din ni Sen. Binay kung bakit nabigyan pa ng P143 milyong pondo ang COA gayong nakapalaki na ng savings ng komisyon na umaabot sa P3.5 bilyon.

Lumabas rin na kabilang sa mga binili ng COA sa kanilang pondo mula sa DAP ang service vehicles gayong ang DAP ay nakalaan lamang sa mga proyektong magpapa-unlad sa ekonomiya.

 

BINAY

CELL

DISBURSEMENT ACCELERATION FUND

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

KINUWESTIYON

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

PARA

SENATE COMMITTEE

STEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with