^

Bansa

Mababang trust rating ni PNoy dahil sa kahirapan ng bansa - CBCP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding kahirapan sa bansa kaya umano bumaba ang trust rating ni Pangulong Aquino.

Ayon kay CBCP-NASSA executive secretary Father Edu Gariguez, bigo ang Pangulo na sugpuin ang ma­tinding kahirapan na nararanasan sa bansa na bahagi ng kanyang ipinangakong “tuwid na daan”.

Tinukoy ng pari na maging ang “conditional cash transfer o CCT program” ng pamahalaan ay hindi epektibo para maibsan ang nararanasang kahirapan ng milyun-milyong Pilipino.

Pinuna rin ng pari ang patuloy na pagtaas ng pres­yo ng mga pangunahing bilihin sa kabila na walang nangyayaring pagtaas sa suweldo.

Iginiit ni Gariguez na dumadaing na ang sektor ng mahihirap kay Aquino na magkaroon naman ng malasakit sa kanilang dinaranas na kahirapan.

Base sa National Statistics Office, umaabot sa 7 porsiyento ang unemployment rate ng bansa at 25 milyong Filipino ang nabubuhay sa kitang P45 kada araw mula sa pag-aaral ng World Bank.

 

AQUINO

AYON

DAHIL

FATHER EDU GARIGUEZ

GARIGUEZ

IGINIIT

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PANGULONG AQUINO

WORLD BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with