Tahong, talaba sa Masbate, Palawan, Samar bawal kainin
MANILA, Philippines - Bawal kainin ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga baybayin ng Masbate, Palawan at Samar.
Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay dahil sa mataas na lason ng red tide sa naturang mga baybayin.
Sinasabing nagsagawa ng water sampling ang ahensiya at napatunayang mataas ang red tide toxicity level sa mga baybayin ng Mandaon, Masbate; Ilong-ilong Bay, Maqueda Bay at Villareal Bay pawang sa Samar gayundin sa Honda Bay sa Puerto Princesa, Palawan.
Samantala, patuloy ding ipinagbabawal ang pagkain ng mga shellfish meat mula sa Bataan coastal water laluna sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal dahil mataas pa rin ang lason ng red tide doon.
Kaugnay nito, tinagubilinan ng BFAR ang mga local chief executives ng naturang mga lugar na huwag pabayaan na makarating sa mga palengke ang naturang mga shellfish upang maingatan ang kalusugan ng mga residente.
- Latest