^

Bansa

Sa pag-upak ng Ehekutibo sa desisyon ng Korte Suprema SC, hukom magluluksa

Edu Punay - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Now, it’s black versus yellow…

Magluluksa ang mga Hukom, miyembro ng judiciary at court emplo­yee sa bansa sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim para magdeklara ng kanilang sariling ‘giyera’ sa umano’y pagbatikos ng Pangulong Benigno Aquino III sa desisyon na ipinalabas ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang pagsusuot ng itim ng mga Judge, court employee at trial court sa bansa ay isasagawa sa Lunes.

Sa exclusive interview ng STAR sa mga opisyal ng Judges Organization sa Metro Manila na humiling na huwag nang tukuyin ang kanilang mga pa­ngalan dahil sa baka gawan sila ng ‘vindictive action’ ng Chief Exe­cutive ay nagsabing tatapatan nila ang pana­wagan ng Pangulong Aquino na mag-suot ng dilaw.

Inihayag ng grupo na maging ang mga hukom at mga empleyado ng hukuman ay hindi natutuwa sa hakbang ng mga kaalyado ng administrasyon sa Kongreso para i-abolish ang Judiciary Development Fund (JDF), lalo na’t maliit na appropriation lamang para sa hudikatura sa national budget, na nasa halos isang porsiyento lamang sa mga nakalipas na taon.

“We don’t have DAP or PDAP. Why do they want us to also suffer the consequence of their funds? Sabi ng isang Judge.

Sinabi ng hukom, ang kanilang partisipasyon sa ‘silent protest ay boluntaryo lamang at walang kinalaman ang Kataas-taasang Hukuman.

Plano ng grupo na muling magsuot ng itim sa darating na July 28 kung saan ay inaasa­hang ihahayag ng Pa­ngulong Aquino ang kanyang ikalimang SONA.

“We will do this until they stop threatening the independence of the judiciary, including our fiscal autonomy,” pahayag pa ng mga Judge.

Nabatid na may kabuuang 2,000 Judges­ sa bansa habang 27,000 naman ang  mga empleyado sa korte.

Ang gagawing aksiyon ng grupo ay sinasabing para sa kapakanan ng kanilang institution.

Nagbanta rin ang grupo na lalabas sila ng lansangan kapag ang executive at legislative branch ng pamahalaan ay tuluyang hindi ire­respeto ang judiciary.

 

CHIEF EXE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

JUDGES ORGANIZATION

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

KORTE SUPREMA

METRO MANILA

PANGULONG AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with