Governor inalisan ng police power: PNP takeover sa CamSur
MANILA, Philippines - Napipinto umano ang takeover ng Philippine National Police sa Camarines Norte matapos tanggalan ng deputization at police power ni DILG Sec. Mar Roxas si Governor Miguel Luis Villafuerte dahil sa breakdown umano ng peace and order sa lalawigan.
Sa ilalim ng batas, ang mga gobernador ay binibigyan ng deputisasyon na mangasiwa sa peace and order ng mga probinsyang kanilang nasasakupan.
Ito ay kasunod ng pagkakapatay sa apat na small scale miners na ang pinaghihinalaang salarin ay mga miyembro umano ng Sagip Kalikasan Task Force (SKTF).
Nilagdaan ni Roxas ang withdrawal of deputization ng National Police Commission na naggagawad sa gobernador ng poder upang pangasiwaan ang peace and order sa probinsya.
Sa memorandum na nag-aalis sa kapangyarihan ni Villafuerte, nakasaad na nakagawa ng lantarang aksyon ang gobernador na nakasisira sa pambansang seguridad at sa kampanya ng pamahalaan sa pangangalaga ng peace and order.
Pinagbasehan umano sa desisyon ang pagpatay sa apat na minero sa Caramaoan, Camarines Sur noong Marso ng taong ito. Ang SKTF umano ay isang environment armed group na nasa pamamahala ni Villafuerte. Ang grupo ay inirereklamo umano dahil sa pang-aabuso lalu na sa mga checkpoints.
Kabilang sa mga pumirma sa resolusyong nag-aalis sa kapangyarihan ni Villafuerte sina Commissioners Eduardo Escueta, Luisito Palmera, Alejandro Urro, Constancia de Guzman at Alan La Madrid Purisima.
- Latest