^

Bansa

Rotating brownout naranasan

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumanas ng rotating brownout kahapon ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), power supply deficiency ang dahilan ng rotating brownout dahil sa maintenance ng Ilijan Power Plant sa Batangas.

Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng rota­ting brownout sa Metro Manila ay Manila, Marikina, Muntinlupa, Pasay, Navotas, Makati, Parañaque, Las Piñas, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Pasig, Marikina, Pateros, Taguig, at Quezon City.

Kabilang din ang Ca­vite, pati ang Tagaytay, Batangas, Laguna, Rizal kabilang ang Taytay at Antipolo; Bulacan at Quezon.

Sinabi ni Meralco customer assistance coordinator Len Nazario na ang rotating brownouts ay nagsimula ng alas-10:00 ng umaga. 

Inaasahan naman ng Department of Energy na maibabalik ang operasyon bago mag-alas-10:00 ngayong umaga ng Linggo dahil dalawang araw lamang ang pagsasaayos sa mga linya ng Ilijan Power Plant para mapataas ang power supply sa Luzon.

Ayon kay Enery Sec. Jericho Petilla itinaon nila ang rolling blackout ngayong weekend para kaunti lamang ang maapektuhan.

Sinabi pa ni Petilla sinimulan nila kahapon ng madaling araw ang pag-aayos ng pipeline ng nasabing power plant na nagdulot ng kawalan ng 1,200 megawatts sa supply.

Bukod pa rito ang Masinloc power plant at GNpower na naka-schedule rin para sa pagmamantina.

Sinabi ng DOE, nagsimula ang brownout kahapon alas-7:00 ng umaga at tatagal ito hanggang alas-10:00 ng umaga o hanggang alas-3:00 ng hapon at babalik din ulit ito sa normal na operasyon.

 

vuukle comment

AYON

BATANGAS

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERY SEC

ILIJAN POWER PLANT

JERICHO PETILLA

METRO MANILA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with