^

Bansa

Bagong bagyo nagbabanta

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang bagyo ang nabuo sa Dagat Pasipiko at nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, ang bagong bagyo ay nabuo malapit sa bisinidad ng Guam at inaasahan na sa araw ng Lunes ay papasok ito sa PAR.

Gayunman, tulad ng nag­daang bagyong Florita, mababa ang posibilidad na tumama ang bagyo sa bansa o mag-landfall sa Pilipinas dahil gigilid lamang ito at tutungo sa Japan.

Pero ayon sa Pagasa, ma­layo pa ang naturang bagyo at may posibilidad pang magbago ang kanyang direksyon sa mga susunod na araw.

Samantala, patuloy namang nakakaranas ng mga pag-uulan ang Mindanao dulot ng umiiral na inter-tropical convergence zone (ITCZ) o ang pagsasalubungan ng hangin mula sa magkaibang direksyon na siyang nagdadala ng mga kaulapan na nagdudulot ng ulan.

Maulap ang kalangitan sa Luzon laluna sa Palawan at Mindoro gayundin sa Metro Manila na may paminsan minsang pag-ulan dulot ng epekto ng habagat.

AYON

DAGAT PASIPIKO

FLORITA

GAYUNMAN

ISA

LUZON

MAULAP

METRO MANILA

MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with