Napoles gusto sa simbahan, CBCP umayaw
MANILA, Philippines — Hiniling ng itinuturong mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kunin siya at protektahan.
Tumanggi naman ang CBCP ngayong Martes sa kahilingan ni Napoles dahil sa legal at pinansyal na aspeto.
"With regard to her request that the CBCP take her under protective custody, we face obstacles from both Church and State laws," paliwanag ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Kaugnay na balita: PNP mas malaki ang gastos kay Napoles vs 3 senador
Sinabi ng pari na hindi ito naaayon sa kanilang batas sa simbahan at kailangang harapin ni Napoles ang kanyang kaso.
Dagdag niya na kapag pinayagan nila si Napoles ay kailangan nilang tanggapin ang lahat ng lalapit sa kanila.
"Once we allow CPCP's offices to take recognizance of Ms. Napoles, we must, to be fair, accept similar requests from all other accused. Not only would this strain CBCP's resources. It would render impossible the discharge of its principal functions."
Hinimok niya ang gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ni Napoles at ng iba pang akusado sa kontrobersyal na pork barrel scam.
- Latest