^

Bansa

Isyu ng DAP, haharapin ng Pangulo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng Palasyo na haharapin at sasagutin ni Pangulong Benigno Aquino III ang isyu ukol sa Disbursement Acceleration Program (DAP) matapos itong ideklarang unconstitutional ang ilang parte nito ng Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda, hintayin na lamang ng publiko at kanyang kritiko ang pagsagot ni Pangulong Aquino ukol sa DAP.

Nanindigan din ang Malacañang na nakabuti sa takbo ng ekonomiya ang pagpapatupad ng DAP na ang layunin ay palakasin at pabilisin ang takbo ng ekonomiya.

“Hintayin na lamang ng publiko ang oras na pagsagot ni Pangulong Aquino ukol sa isyu ng DAP, pero hindi natin masabi kung kailan ito. No word yet when Aquino intends to address SC ruling­ on DAP,” wika pa ni Sec. Lacierda.

Inamin din ni Lacierda na ilang mambabatas ang nabigyan ng pondo mula sa DAP na ang layunin ay matulungan ang kanilang constituents at dapat managot din ang mga mambabatas kapag natuklasang mali ang paggamit nila ng pondo.

 

AQUINO

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KORTE SUPREMA

LACIERDA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with