^

Bansa

JDF ng SC isinapubliko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinapubliko ng Supreme Court (SC) ang  pinakahuling ulat hinggil sa kanilang Judi­ciary Development Fund (JDF) kasunod na rin ng panawagan ng Kamara de Representantes na dapat nila itong ilantad.

Una nang nanawagan si House Speaker Feliciano Belmonte sa SC na isapubliko kung saan napunta ang P1.77-bilyon na halaga ng JDF.

Nakasaad sa ulat na makikita sa website ng  SC na para sa unang bahagi ng taong kasalukuyan ang beginning balance ng JDF ay P1.96-bilyon.

Mula sa nasabing halaga, P584-milyon ang nailabas ng hukuman para sa Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at mga mababang hukuman.

Bunsod nito, ang ending balance o halaga na naiwan sa JDF sa pagtatapos ng Marso  2014 ay P1.38 bilyon na lamang.

Bukod sa JDF, kasama rin sa inilabas ng Korte Suprema ay ang ulat hinggil sa Special Allowance for the Judiciary Fund o SAJ mula 2012 hanggang sa unang quarter ng 2014 at Budget Accounta­bility Reports mula 2012 hanggang 2013.

Ang JDF ay special purpose fund na binuo noong 1984 sa ilalim ng Presidential Decree No. 1949 para sa benepisyo ng mga miyembro at kawani ng hudikatura nang sa gayon ay mapreserba ang pagiging indepen­dyente ng nasabing sangay ng pamahalaan. 

 

BUDGET ACCOUNTA

COURT OF APPEALS

COURT OF TAX APPEALS

DEVELOPMENT FUND

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

JUDICIARY FUND

KORTE SUPREMA

PRESIDENTIAL DECREE NO

SPECIAL ALLOWANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with