Enrile, Napoles, Gigi Reyes babasahan ng sakdal sa Biyernes
MANILA, Philippines – Sa Biyernes babasahan ng sakdal ng Sandiganbayan sina Senador Juan Ponce Enrile, dati niyang chief-of-staff Jessica “Gigi” Reyes at ang itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles para sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.
Haharap sa third division ng anti-graft court sina Enrile, Reyes at Napoles na babasahan ng sakdal ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ganap na 8:30 ng umaga.
Matapos basahan ng sakdal, magbibigay ang Sandiganbayan ng petsa kung kailan ang pre-trial at preliminary conference bago ang pagdinig mismo sa kaso.
Nakabinbin sa korte ang petisyon nina Enrile at Napoles na makapagpiyansa.
Nitong Biyernes sumuko si Enrile at Reyes matapos maglabas ang korte ng arrest warrant.
- Latest



















