^

Bansa

Imbakan ng nabubulok na mga bigas sinalakay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Food Authority (NFA) ang nasa 12 warehouses na hinihinalang sangkot sa rice holding kung saan nadiskubre ang mga nabubulok na bigas na naka-imbak.

Dalawa sa mga warehouse ang personal na ininspeksyon ni DILG Sec. Mar Roxas at CIDG Chief Supt. Benjamin Magalong kahapon ng umaga kung saan nakita ang 14,996 bags ng NFA rice at 4,580 bags ng commercial rice na karamihan ay napunang hindi na akma para kainin ng tao.

Sa pagsisiyasat sa mga warehouse ng JY & Son compound, sa Km 23, West Service Road, Cupang, Muntinlupa City, isang commercial rice milling machine na pinaniniwalaang ginagamit para pampakintab ng bulok na kalidad at old stock na bigas ang nadiskubre.

Ayon kay NFA administrator, Arthur O. Juan, paglabag sa Presidential Decree no. 4 at posibleng paglabag sa Republic Act No. 7581 o ang Price Act, ang nilabag ng may-ari ng establisimyento.

Kasabay nito, pinuri rin ni Roxas ang pagsisikap ng CIDG sa serye ng operasyon na naging dahilan ng pagkakadiskubre ng mahigit sa 170,000 bags ng bigas mula sa ilang rice mills, 80,000 dito ay hinihinalang sangkot sa pagi-imbak at hinahalo saka nirerepak kasama ang iba pang uri ng bigas para ibenta.

Direktang inatasan ng kalihim ang PNP para sugpuin ang mga nagmamanipula ng presyo kasunod ng utos ni Pangulong Aquino sa mga law enforcers na imbestigahan at magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, tulad ng bigas, bawang, luya, karne ng baboy, manok, at gatas.

 

ARTHUR O

BENJAMIN MAGALONG

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MAR ROXAS

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL DECREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with