Sun Broadband may play station na
MANILA, Philippines - Sawa na ba kayo sa mga larong Angry Birds, Flappy Bird, at 2048?
Palawakin ang inyong paglalaro sa Sun Broadband Sony Play Station Vita 2000 na makukuha sa ilalim ng Gadget Plan 999.
Sa mga gumagamit ng portable gaming device, makakalaro na ng games sa PS Vita collection tulad ng mga hit nitong Tearaway, Guacamelee, Metal Gear Solid, at Rayman Origins.
Ang bagong gadget ay may libre ring Pocket WiFi na may 60 oras na serbisyo.
Makakapagimbita rin ng mga kaibigan at iba pa sa pamamagitan ng Twitter at makakapag-post ng update tungkol sa inyong bagong game achievements sa Facebook.
“Lagi kaming naghahanap ng mga gadgets na may kakaibang benepisyo sa aming subscribers at ang Sony PlayStation Vita ay isang katunayan nito,” sabi ni Michele Curran, hepe ng data and international services marketing ng Sun Cellular.
Ang Sony PS Vita ay na-release nitong Enero lamang. Ito ay may higit na manipis at magaan na profile.
Ang mga subscribers ay makakakuha ng libreng 8GB memory card para agad makapaglaro agad ng kanilang paboritong games.
- Latest