DAR pinaiimbestigahan sa pagtatapos ng CARPer law
MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng grupo ng mga magsasaka sa pangunguna ng Save Agrarian Reform Alliance (SARA) ang naging performance ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para sa pamamahagi ng lupa at iba pang mga programa ng ahensiya na inilaan ng gobyerno sa mga magsasaka nationwide.
“DAR’s reports remain questionable, and are padded. We need an independent evaluation of DAR’s and other CARP implementing agencies’ past and present performance to determine the state of agrarian reform in the country,” pahayag ni Trinidad Domingo, spokesperson ng grupong SARA.
Kinuwestyon din ng naturang grupo kung nasaan ang mga lupain na kailangan pang ipamahagi sa mga magsasaka at anu ang nangyari sa mga magsasaka na nabiyayaan ng lupa sa ilalim ng CARP.
Binigyang diin ni Domingo na sa ilalim ng extended CARP, bumagal pa ang pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka at hindi naipaglaban ng ahensiya ang mga karapatan ng mga magsasaka mula sa mga makapangyarihang mga landlords.
Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga magsasaka sa pagtatapos ng CARPer Law kahapon at nagdaos ng rally sa Mendiola dahil bigo ang gobyernong Aquino na ipatupad ang tunay na repormang agraryo.
Samantala, sinabi ng Palasyo na kahit nagtapos na ang CARPer Law ay patuloy pa din ang pamamahagi ng lupa ng DAR sa mga magsasaka.(Angie dela Cruz/Rudy Andal)
- Latest