^

Bansa

Bawat pamilya pinaghahanda ng ‘Emergency Go Bag’ vs lindol

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang 5.8 magnitude na lindol na tumama sa Metro Manila nitong nakaraang Miyerkules, nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bawat pamil­ya na maghanda na ng kanilang “Emergency Go Bag” na maglalaman ng mga importanteng bagay at pagkain na magagamit sa panahon ng trahedya.

Maaaring lamanin ng Go Bag ang mga first aid kits, flash light, maliit na transistor radio, mga baterya, pito, lubid, pagkain na tumatagal tulad ng crackers, tubig at iba pa. Kailangan umanong tumagal ang laman ng Go Bag ng hanggang limang araw.

Bahagi ang paghahanda ng “Go Bag” sa ibinibigay na “disaster preparedness training” ng MMDA patikular sa kanilang Rescue and Disaster warehouse na nasa Marikina City na maaaring daluhan ng publiko para malaman ang gagawing paghahanda sa oras ng kalamidad at mga trahedya.

Pinangangambahan ang posibilidad na isang mas malakas na lindol ang tumama sa Metro Manila dahil sa malaking “fault line” na bumabagtas sa buong Kamaynilaan at karating lalawigan.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs) na bagama’t walang pagkawasak na idinulot ang 5.8 na lindol nitong Miyerkules, posibleng masundan pa ito ng mga “aftershocks” na minsan ay mas malakas pa sa orihinal na lindol.

BAHAGI

EMERGENCY GO BAG

GO BAG

MARIKINA CITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MIYERKULES

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

RESCUE AND DISASTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with