^

Bansa

DOH sa kabataan: Mag-donate ng dugo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ng Department of Health-Mimaropa (Mindoro Marinduque Romblon Palawan) ang mga residente lalo na ang mga kabataan na mag-donate ng dugo upang mapataas ang kalidad, supply ng dugo at blood products sa rehiyon.

Ayon kay DOH Regio­nal Director, Dr. Eduardo C. Janairo, ang pagdo-donate ng dugo ay mahalaga dahil naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso ng isang blood donor.

Sinabi naman ni Dra. ­Alice Fetalvero, chairman ng Romblon Provincial Blood Control na maha­lagang makapag-donate ng dugo para sa healthy lifestyle habang pinala­lakas ang katawan ng mga donors.

Nakakapagligtas din ng buhay ang paghahandog ng dugo.

Mas maigi rin ani Dra. Fetalvero na ugaliing magdonate ng dugo tuwing ikatlong buwan ng taon lalo na ang mga kabataan.

Maaring mag-donate ng kanilang dugo  ang mga edad 16-65, (ang 16 at 17 anyos  ay nangangailangan ng parental consent), may timbang na 110 pounds (50 kg) at nakapasa sa physical, health history and lifestyle assessment sa panahon ng screening.

ALICE FETALVERO

AYON

DR. EDUARDO C

DRA

DUGO

MINDORO MARINDUQUE ROMBLON PALAWAN

ROMBLON PROVINCIAL BLOOD CONTROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with