^

Bansa

150 nalason sa catering

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 150 katao ang isinugod  sa pagamutan matapos malason nang dumalo sa isang pagtitipon sa South Cotabato.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) sa South Cotabato, patuloy na ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital ang mga biktima, kabilang ang mga kabataan at matanda na pawang naninirahan sa Sitio Lasgtik, Bgy. Tabu Tampakan, South Cotabato.

Sinasabing nakaranas ng pananakit ng tiyan at nagsuka ang mga biktima makaraang kumain ng pack lunch na pritong manok, itlog at kanin.

Nagsimula umano ang nasabing pagtitipon alas-8:00 ng umaga at pagdating ng alas-12:00 ng tanghali ng duma­ting ang pack lunch ay masa­yang nagsikain ang mga biktima at umuwi na sa kanilang mga bahay.

Makalipas ang may limang oras ay sumakit ang tiyan nila, nahilo at nagsusuka na tanda ng food poisoning.

Una na ring inihayag ng accounting clerk ng B’laan Foundation ng Barangay Tablu na si Cecile Mancho, nagpa-cater sila ng 200 pack lunch para sa general assembly meeting na may kinalaman sa Banlas project.

Ang mga dumalo ay mga tribal members mula sa Sitio Tucayman, Manisi, Batu, Crossing, Lagdik, Magga, Kolon Datal at Sitio Center ng Barangay Tablu.

 

BARANGAY TABLU

CECILE MANCHO

KOLON DATAL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SITIO CENTER

SITIO LASGTIK

SITIO TUCAYMAN

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with