^

Bansa

Naninigarilyo nabawasan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba ang bilang ng mga mahihirap o ‘yung nasa class E na naninigarilyo dahil umano sa sin tax law.

Ayon kay Dr. Ivanhoe Escartin, DOH director ng National Center for Health Promotion, indikasyon nito na tama lamang ang tinatahak na direksiyon ng pamahalaan upang tuluyan nang mabawasan ang mga naninigarilyo.

Sa survey ng SWS na kinomisyon ng DOH,  ang dating 38% ngayon 25% na lang. Umakyat naman sa 45 porsiyento ang  nagpalit ng kanilang brand.

Umaasa ang DOH na mas bababa pa ang bilang ng maninigarilyo habang unti-unting nagmamahal ang sigarilyo hanggang 2017.

Pagdating ng 2017 magkakaroon ng unitary tax increase kung saan pareho na ang presyo ng mura at mahal na sigarilyo. Patuloy pa rin ang kampanya ng DOH sa paglalagay ng mga larawang nakakatakot sa pakete ng mga sigarilyo.

AYON

BUMABA

DR. IVANHOE ESCARTIN

HEALTH PROMOTION

NATIONAL CENTER

PAGDATING

PATULOY

UMAASA

UMAKYAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with