^

Bansa

Butas sa SK law sinamantala ng LP

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ni United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco ang makaadministrasyong Liberal Party at ang Department of Interior and Local Government dahil sinamantala umano ng mga ito ang mga depekto sa Republic Act 10632 para makapagpa­lakas sa pambansang halalan sa 2016.

Nagpahayag ng pagkabahala si Tiangco sa mga ulat na ibinunyag ni Kabataan Rep. Teddy Ridon na nagawa ng LP na lusutan ang RA 10632 na siyang batas na nagpaliban sa halalan ng Sangguniang Kabataan noong Oktubre 2013. Ginamit umano ng partido ang patakaran at regulasyon ng batas para makapagpalakas  sa kanilang makinarya sa mga barangay.

Wala anyang pinag-iba ang ginagawa ng LP at ng DILG sa “Hitlerjugend” o Hitler Youth noong 1930 nang itatag ng Nazi Party sa Alemanya ang isang organisasyon ng mga kabataan para gamitin ang mga ito sa adyendang pulitikal at military ng partido.

Pero ngayon, ayon kay Tiangco, personal na pinili ng LP ang 350,000 barangay youth leaders na kakampanya para sa kandidatura sa pagkapangulo ni DILG Secretary Mar Roxas. Sa pahintulot ng Comelec, inatasan ng DILG ang lahat ng mga barangay na magtalaga ng kani-kanilang nominee bilang bahagi ng “Task Force on Youth Development”.

Sa pagkakasuspinde sa halalan sa SK, pinangangambahan ni Tiangco na gagamitin ng LP ang pondo nito sa pamamagitan ng mga barangay council.

Sa pagkakalikha ng task force sa halos 42,000 barangay sa bansa, nasa kamay na ng LP ang mahigit P6-B pondo ng bayan na nagmumula sa internal revenue allotment (IRA). Sabi ni Tiangco, sa pamamagitan ng task force, sasakay ang mga miyembrong kabataan nito sa linya, programa at aktibidad ng LP habang papalapit ang 2016 elections.

vuukle comment

HITLER YOUTH

KABATAAN REP

LIBERAL PARTY

NAZI PARTY

REPUBLIC ACT

SANGGUNIANG KABATAAN

SECRETARY GENERAL TOBY TIANGCO

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with