^

Bansa

Bangayan pinakakasuhan ng perjury

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng  perjury ng Department of Justice (DOJ) ang hinihinalang rice smuggler na si Davidson Bangayan.

Batay sa resolusyong pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, nakitaan ng probable cause para kasuhan ang negos­yante alinsunod sa reklamo ng Senate Committee on Agriculture and Food.

Nag-ugat ang kaso sa pagsisinungaling umano ni Bangayan sa pagdinig ng komite hinggil sa rice smuggling kung saan paulit-ulit na itinanggi nito na siya at si David Tan na sinasabing rice smuggling king ay iisa sa kabila ng mga dokumentong nagpapatunay nito.

Matatandaang lumabas ang isang affidavit kung saan sinabi ni Ba­ngayan na siya rin si David Tan.

Kakasuhan si Banga­yan sa Pasay Metropolitan Trial Court.

 

AGRICULTURE AND FOOD

BANGAYAN

BATAY

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

KAKASUHAN

PASAY METROPOLITAN TRIAL COURT

PROSECUTOR GENERAL CLARO ARELLANO

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with