^

Bansa

Bagong Sandiganbayan Justice sasabak agad sa pork scam case

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasabak agad ang bagong Associate Justice na si Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta sa pagbusisi sa kaso ng pork barrel fund scam na nakasalang sa Sandiganbayan partikular na ang kasong graft at plunder nina Sens. Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Juan Ponce Enrile at iba pa.

Sinabi ni Sandiganbayan Executive Clerk of Court Atty. Renato Bocar na kahapon ng umaga ay nagtungo na sa Sandiganbayan si Estoesta para mag-courtesy call sa kanyang mga magiging kasamahan sa anti-graft court.

Partikular na tinungo ni Estoesta ang kanyang mga kapwa miyembro ng 5th division ng Sandiganbayan, pati na si presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na nagmula rin sa naturang dibisyon bago naitalagang pinuno ng anti-graft court.

Bago nahirang na Justice ng Sandiganbayan ni Pangulong Aquino, si Estoesta ay nagsilbi ng mahabang panahon bilang Manila trial court judge.

Tikom naman ang bibig ni  Estoesta na magbigay ng anumang pahayag hinggil sa inaasahang pagsama niya sa pagbusisi sa kaso ng naturang mga mambabatas.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE

BONG REVILLA

ESTOESTA

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

JUSTICE AMPARO CABOTAJE-TANG

PANGULONG AQUINO

RENATO BOCAR

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN EXECUTIVE CLERK OF COURT ATTY

THERESA DOLORES GOMEZ-ESTOESTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with