Pagtatayo ng SPED aprub
MANILA, Philippines - Pasado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagsusulong para makapagtayo ng Special Education (SPED) center sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.
Ang House Bill 4558 o Special Education (SPED) Centers Act, na inihain ng may 47 kongresista kabilang na si Quezon City 1st district Rep. Francisco “Boy†Calalay Jr. ay consolidation ng siyam na panukala na may iisang layunin.
Ang bersyon naman ni Calalay ay nakapaloob sa House Bill 2315 o SPED Centers Act of 2013.
Ang panukalang SPED centers ay kabilang sa mga prayoridad ng Malakanyang at Kongreso na maipasa sa 16th Congress.
Sa HB 2315 ni Calalay, dapat magtayo ng kahit isang SPED center sa bawat school division subaÂlit kung malaking dibisyon ay dapat tatlong centers para sa mga batang may espesyal na pangangailangan o children with special needs (CSN).
Paliwanag pa ni Calalay, ang SPED Act of 2013 ay pagtupad lamang sa deklaradong polisiya ng gobyerno na mabigyan ng proteksyon at de-kalidad na edukasyon ang mga CSN.
- Latest