Mga sumali sa protest caravan mananagot
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na papanagutin nila ang mga sumali sa protest caravan nitong Huwebes.
Ayon kay LTFRB exeÂcutive director Atty. RoÂberto Cabrera, sa ngayon nangangalap pa rin sila ng mga impormasyon ukol sa mga responsable sa naganap na protesta, at sa sandaling matukoy nila ay saka gagawin ang kaukulang aksyon.
“Kinukumpleto pa natin dahil medyo nahihirapan kami sa ngayon na matukoy ang mga ito dahil pawang mga nakatakip ang mga plaka ng kanilang mga sasakyan.
Giit ni Cabrera, sa dami ng mga nagprotesta, marami sa mga commuters ang naperwisyo, pero nangako ito na matutukoy din nila ito sa sandaling makumpleto ang kanilang mga ebidensya.
Nauna nang sinabi ng LTFRB na posibleng patawan nila ng suspensyon o kanselasyon ng prangkisa ang mga nakiisa sa proÂtesta depende sa naging partisipasyon ng mga ito.
Magugunitang, daan-daang pasahero ang naistranded dahil sa protest caravan nitong Huwebes hindi lamang sa Metro Manila, maging sa karatig probinsya.
- Latest