Bong inatake ng migraine
MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang init sa loob ng kanyang detention cell, inatake ng migraine o matinding pananakit ng ulo si Sen. Bong Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kahapon.
Bunga nito ay lumabas muna sa Camp Crame at nagtungo sa isang drug store saka namili ng mga personal na kagamitan para sa kaniyang mister si Rep. Lani Mercado-Revilla.
Walang aircon sa loob ng Custodial Center at taÂnging electric fan lamang ang puwedeng gamitin ni Bong. Bawal din ang anumang uri ng gadget tulad ng laptop, cellphone, ipad.
Bahagya ring tumaas ang blood pressure ni Revilla matapos isailalim sa medical examination.
Pumalo sa 140/90 ang blood pressure ng senador matapos itong suriin ng mga doktor ng PNP bilang bahagi ng booking procedure.
Nabatid sa pamilya Revilla na dalawang oras lamang natulog ang senador bago sila bumiyahe at nagtungo sa Sandiganbayan.
Tiniyak naman ni PNP-PIO chief, C/Supt. Reuben Theodore Sindac, na istriktong ipatutupad ng mga opisyal at bantay sa Custodial Center ang ‘visiting hours’ mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon lamang.
- Latest