^

Bansa

Revilla handang mamatay kung kakaladkarin at poposasan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng kahandaang sumuko sa Sandiganbayan, ipinahiwatig kahapon ni Senator Bong Revilla na lalaban siya at handa ng mamatay kung kakaladkarin at poposasan  ng mga awtoridad.

Ayon kay Revilla, nakahanda na siyang makulong at tanging pakiusap lamang umano niya ay huwag siyang bastusin katulad ng paglalagay ng posas o pagkaladkad dahil isusuko naman niya ang kanyang sarili.

Sinabi ni Revilla na akala niya ay kahapon na siya ikukulong at ipinau­ubaya na niya sa awto­ridad kung ano ang gustong gawin sa kanya.

Naniniwala rin si Revilla na siya ang inuna sa hanay ng tatlong senador na aarestuhin dahil siya ang palaging nagpapahayag ng kanyang damdamin sa media.

Nauna rito, nagpahayag ng kahandaan si Sen. Jinggoy Estrada na makasama si Revilla sa bilangguan.

Nagbiro pa si Revilla na ayaw niyang makasama si Estrada sa ku­lungan dahil malakas umano itong maghilik.

 

vuukle comment

AYON

JINGGOY ESTRADA

NAGBIRO

NANINIWALA

NAUNA

REVILLA

SANDIGANBAYAN

SENATOR BONG REVILLA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with