^

Bansa

Bong aarestuhin na!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anumang oras nga­yon ay aares­tuhin na si Sen. Ramong “Bong” Revilla, Jr. at mga kap­wa akusado sa kasong plunder­ matapos iutos na ng Sandiganbayan ang pagpapalabas ng warrant of arrest. 

Ito’y makaraang kakitaan ng graft court na may probable cause ang mga kasong plunder at graft na nagdidiin kay Revilla at iba pa hinggil sa isinampang kaso ng tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng P10 billion pork barrel scam.

“Wherefore, let warrants of arrest be issued against the accused,” nakasaad sa resolution ng Sandiganbayan. 

Ngayong umaga ina­asahang mailalabas ng korte ang warrant of arrest na ibibigay ng sheriff sa Philippine National Police o sa National Bureau of Investigation para maisilbi.

Hindi natapos ng clerk of court ang paggawa ng warrant kahapon dahil ina­bot na ito ng pagtatapos ng office hours at hindi na napirmahan ng presiding justice.       

Gayunman, ngayon pa lang ay nagpasabi na ang kampo ni Revilla na kusa itong susuko sa batas. 

Kasalukuyang nasa bahay sa Bacoor, Ca­vite si Revilla. Sinasa­bing handa na rin ang mga gamit nito sakaling isagawa na ang pagsuko kaugnay ng kinasasangkutang kaso.

Kabilang sa mga kasamahang akusado ni Revilla sa mga kasong plunder at graft sina Richard Cambe, negosyanteng si Janet Lim-Napoles, kapatid na si Ronald Lim at John Raymund de Asis.

Kasama ni Revilla sa kasong graft sina Mario Relampagos, Rosario Salamida Nuñez, Lalaine Narag Paule, Marilou Dialino Bare, Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Francisco Figura, Rosalinda Lacsamana, Mariviv Jover, Myla Ogerio, Eulogio Rodriguez, Laarni Uy, Consuelo Espiritu, Evelyn de Leon, Allan Javellana, Encarmita Munsod, Maria Julie Johnson,Victor Cacal, Maria Niñez Guanizo, Rhodora Mendoza, Gondelina Amata, Emmanuel Sevidal, Ofelia Ordoñez, Sofia Cruz, Chita Jalandoni, Gregorio Buenaventura, Jocelyn Piorato at Evelyn Sugcang.

vuukle comment

ALLAN JAVELLANA

ANTONIO ORTIZ

CHITA JALANDONI

CONSUELO ESPIRITU

DENNIS CUNANAN

REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with