30 checkpoints ilalarga sa MM
MANILA, Philippines - Tatlumpung (30) checkpoints ang ilalarga ng PhiÂlippine National Police (PNP) upang mapalakas pa ang police visibility na naglalayong mabawasan ang kriminalidad sa buong Metro Manila.
Ito’y kasunod ng pamamaslang sa sikat na car racer na si Enzo Ferdinand Pastor na pinagbabaril sa Quezon City nitong Hunyo 12 at pamamayagpag ng mga holdaper, carjacker at iba pang krimen sa mga crime prone areas sa iba’t ibang lugar sa kamaynilaan.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na 30 ang inisyal na police checkpoints na kanilang ilalatag sa susunod na linggo at dodoblehin hanggang sa maging triple ang bilang nito.
Bawat checkpoints bukod sa mga unipormadong pulis ay dapat may kasamang ‘marked vehicle’ ng PNP.
Inilunsad rin ang “Oplan Lambat’ upang mapalakas pa ang pag-aresto sa mga most wanted na kriminal sa bansa at palalakasin rin ang intelligence operations gayundin ang proseso ng imbestigasyon.
Tututukan din ang mga kaso ng murder at homicide ng mga piling imbestigador na dumaan sa masusing pagsasanay.
- Latest