^

Bansa

Barya bawal nang ipunin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagbabawal sa pagho-hoard o pag-iipon ng barya.

Sa House Bill 4411 ni Batangas Rep. Sonny Collantes, ginagawa ng krimen ang hoarding ng barya. Walong taong kulong at pagmumultahin ng P300,000 ang lalabag dito bukod pa rito ang pagkumpiska sa mga naipong barya.

Hindi naman sakop ng panukala ang mga charitable institutions, pribadong bangko, financial institutions at mga ahensiya ng gobyerno.

Maaari rin umanong i-exempt ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa parusa ang mga retail business o mga sari-sari store subalit  kailangang tiyakin na hindi sobra-sob­ra sa pangangailangan ng tindahan ang iniimbak nitong barya.

Itinatakda rin ng panukala na magbuo ang BSP ng implementing rules and regulations na siyang magdedetermina ng pinagsama-samang halaga, bilang ng halaga at bigat na siyang magtatakda kung hoarding ito ng barya.

APRUBADO

BANGKO SENTRAL

BATANGAS REP

ITINATAKDA

KAMARA

MAAARI

PILIPINAS

SA HOUSE BILL

SONNY COLLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with