2 NBP doctors pinatalsik ng DOJ
MANILA, Philippines – Matapos sibakin ng Department of Justice ang 12 jail guards ng New Bilibid Prison, isinunod nila ngayong Lunes ang dalawang doktor kaugnay ng paglabas ng bigating preso para magpagamot.
Sa ulat ng dzMM, nakilala ang mga doktor na sina Gloria Garcia at Cecilia Villanueva na kapwa hindi humingi ng clearance kay Justice Secretary Leila de Lima bago pinalabas ang presong si Ricardo Camata.
Ayon kay DOJ Usec. Francisco Baraan III, hindi dapat inirekomenda ng dalawang doktor na magpatingin si Camata sa Metropolitan Medical Center dahil hindi naman “emergency†ang kalagayan ng preso.
Kaugnay na balita: BuCor kinumpirma ang paglabas ng 3 bigating preso sa bilibid
Nauna nang sinibak ng DOJ si NBP Chief Superintendent Fajardo Lansangan at ang 12 jail guards.
Pumutok ang isyu nang makalabas si Camata kung saan tumanggap pa ito ng bisita na si Krista Miller na hindi naman kamag-anak.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtanggap ng bisitang hindi naman kamag-anak ng preso.
Tiniyak naman ng DOJ na daraan sa tamang proseso ang imbestigasyon sa insidente at mga napatalsik na tauhan ng NBP.
- Latest