Sa recall vs Palawan mayor Comelec chief sablay - Hagedorn
MANILA, Philippines - Sablay na katwiran.
Ito ang turing ni daÂting Puerto Princesa City Palawan Mayor Edward Hagedorn sa pahayag ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na pulitika ang nasa likod ng ginawang paglilinaw ng Department of Budget and Management na meron pang pondo ang Comelec para isagawa ang recall election laban sa kasalukuyang alkalde ng lunsod na si Lucilo Bayron.
Sinabi pa ni Hagedorn na pulos butas at lihis sa katotohanan ang pasakalye ni Brillantes na meron siyang kinalaman sa recall petition laban kay Bayron at sa ginawang paglilinaw ng DBM sa isyu ng pondo para sa recall election.
Nilinaw ng dating alÂkalde na ang kapatid niyang si Palawan Congressman Douglas Hagedorn ang nagtanong sa DBM at hindi siya.
Idiniin ni Hagedorn na nasa rekord din na, makaraang mahalal si Bayron noon, kinumbinsi niya ang kanyang mga tagasunod na suportahan ang administrasyon nito.
Gayunman, ayon kay Hagedorn, nagkaroon ng maraming isyu laban kay Bayron tulad ng dumaraming krimen, paghina ng turismo, at pagkasira ng kapaligiran na nagbunsod para magsagawa ng recall petition laban sa alkalde ang maraming mamamayan ng lunsod.
“Ang mahigit 40,000 botante at hindi ako ang lumagda sa petisyon na nananawagan sa pagdaraos ng recall election laban kay Mayor Bayron dahil sa kawalan ng kumpiyansa,†dagdag pa ni Hagedorn.
Dahil dito, ayon kay Hagedorn, hindi patas at mapanlinlang ang pahayag ng Comelec na siya ang nasa likod ng recall o sa pag-uusisa sa DBM.
Aniya pa, pormal lang na sinagot ni DBM Undersecretary Luz M. Cantor ang opisyal na katanuÂngan ng isang kongresista sa katauhan ng kapatid niyang si Rep. Douglas Hagedorn.
Kinumpirma ni Cantor na sa pagtatapos ng 2013, may sobra pang P3.6 bilyon ang Comelec mula sa “statement of appropriations, allotments, obligations, disbursement and balances†(SAAODB) nito.
“Nasaan ang ‘pulitika’ dito,†tanong pa ni Hagedorn.
Sablay din umano si Brillantes sa pagdawit ng Liberal Party (LP) sa panawagang recall laban kay Bayron.
Aniya, aabot sa tatlumpu ang “ikinakasang†recall petition sa iba pang lalawigan ng iba’t ibang partidong pulitikal at “unfair†umano sa LP na kaladkarin ito ni Brillantes sa petisyon laban kay Bayron.
- Latest