^

Bansa

Murang bawang vs imported ikakalat

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding pagtaas ng halaga ng bawang sa Metro Manila, ikakalat ng Department of Agriculture (DA) ang mga rolling stores ng ahensiya para magbenta ng mas murang bawang kontra sa mahal na imported na bawang na naibebenta sa mga palengke at mga pamilihan sa bansa.

Ayon sa DA, may anim na metric tons (6 MT) ng bawang ang ikakalat sa mga pangunahing palengke sa kalakhang Maynila.

Kahapon, sinimulan na ng mga lokal na magsasaka na magbenta ng murang bawang sa mga rolling stores na nakakalat sa mga palengke. Umaabot sa P100 hanggang P200 ang kilo ng bawang dito depende sa laki samantalang ang mahal na bawang na mula sa Taiwan ay may halagang P300 pataas ang kada kilo.

Para maprotektahan ang lokal na magbabawang sa bansa at tuloy mapi­layan ang mga imported na bawang na nagkalat sa mga palengke, ang DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) at mga local government units ay nakipagkasundo sa garlic farmers para direkta na ang mga itong makapagbenta sa mga lokalidad ng kanilang mga local products na bawang partikular sa Marikina Public Market at Pasig Public Market .

Sinabi ni DA spokesperson Undersecretary Emerson Palad na bunga ng pagkalat ng mga mura at local garlic, maitatama na ang halaga ng lahat ng uri ng bawang na naibebenta sa merkado.

vuukle comment

AGRIBUSINESS AND MARKETING ASSISTANCE SERVICE

AYON

BAWANG

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

MARIKINA PUBLIC MARKET

METRO MANILA

PASIG PUBLIC MARKET

UNDERSECRETARY EMERSON PALAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with