^

Bansa

Free check-up sa prostate cancer ngayong Father’s Day - DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaloob ng libreng pagsusuri ang Department of Health (DoH) at mga private hospitals sa buong bansa sa prostate cancer ngayon araw bilang bahagi ng “National PaDRE and Men’s Health Day” program ng pamahalaan.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, isang magandang paraan upang ipagdiwang ng publiko ang Araw ng mga Ama ay sa pamamagitan nang pagdadala sa kanila sa may 64 kalahok na public at private hospitals na magbibigay ng libreng digital rectal examination (DRE).

Ipinaliwanag ni Ona na kinakailangang isailalim sa screening ang mga lalaki upang maagang matukoy kung may prostate cancer sila. 

Lahat ng lalaking nagkaka-edad ng 40-taong gulang pataas ay dapat na sumailalim sa screening ng prostate cancer, na ikinukonsiderang ika-apat na most common cancer sa mga lalaki.

Batay sa 2010 Cancer Facts and Figures ng DoH, taun-taon ay mayroong 2,712 bagong kaso ng prostate cancer na nada-diagnose sa bansa at 1,410 deaths.

Anang DoH, walang ipinapakitang sintomas ang sakit sa unang stage nito, ngunit kung malala na ay maaaring makaranas ang pasyente ng madalas at masakit na pag-ihi, pagkakaroon ng dugo sa ihi, pananakit ng mga buto, panghihina ng mga hita at pagkakaroon ng urinary at fecal incontinence.

vuukle comment

ANANG

ARAW

AYON

BATAY

CANCER

CANCER FACTS AND FIGURES

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH DAY

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

IPINALIWANAG

LAHAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with