^

Bansa

Mga doktor sa Bilibid pinasisibak!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inirekomenda ni Jus­tice Undersecretary Francisco Baraan na sibakin ang mga doktor na nagbigay ng referral para makapagpa-ospital ang mga high profile convicts sa labas ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito’y matapos ang isi­nagawang imbestigasyon hinggil sa pagpapaospital ng drug convict na si Ricardo Camata kahit hindi naman emergency situation.

Tumanggi naman si Justice Sec. Leila de Lima na ibunyag ang pangalan ng mga doktor.

Nais din ni Baraan na bumuo ng fact-finding panel na magsasagawa ng mas malawak na imbes­tigasyon dahil lumilitaw na bukod kay Camata, walo pang NBP prisoner ang pinapayagan magpagamot sa ibang ospital.

Matatandaang si Camata ay dinala sa Metropolitan Hospital makaraang ireklamo ang paninikip ng dibdib. Nakita naman sa CCTV ng ospital ang pagdalaw dito ng sexy actress na si Krista Miller.

Pinasisiyasat din ang kondisyon ng drug convict na si Amin Buratong at robbery gang leader Herbert Colangco.

Pagpapaliwanagin ni de Lima si BuCor Director Franklin Bucayo kaugnay sa isyu sa sandaling bumalik ito sa trabaho.

AMIN BURATONG

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYO

HERBERT COLANGCO

JUSTICE SEC

METROPOLITAN HOSPITAL

NEW BILIBID PRISON

RICARDO CAMATA

UNDERSECRETARY FRANCISCO BARAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with