P290 per kilong bawang pinaiimbestigahan ni Villar
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Senator Cynthia A. Villar sa mga kiÂnauukulang ahensiya ng gobyerno ang napaulat na bigÂlang pagtaas ng presyo ng bawang na umaabot sa P180 hanggang P290 ang kilo.
Ayon kay Villar, marapat lang na mabigyan ng proteksiyon ang publiko dahil posibleng ang pagtaas ng presyo ng bawang ay magresulta rin ng pagtaas ng presyo ng iba pang produktong pagkain.
Ipinunto pa nito na ang bawang ay isa sa mga pangunaÂhing sangkap sa pagluluto ng mga Pinoy kaya dapat matiyak na walang nangyayaring manipulasyon ng presyo at matigil ang gawain ng mga tiwaling negosyante na hindi iniisip ang kapakanan ng publiko.
Iginiit ni Villar na dapat panagutin ang sinumang mapapatunayan na nasa likod ng manipulasyon ng presyo na bawang.
- Latest