^

Bansa

‘Kabataan ngayon puro selfie at gimik’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ni Senador Bam Aquino ang mga kabataan na kilala bilang “me-generation”, na patunayan na hindi lang sila puro selfie at gimik sa pamamagitan ng pagtulong sa mga programa at proyekto na magpapaunlad sa bansa.

“Nakakalungkot sabihin ngunit ang tingin sa karamihan sa mga kabataan ngayon ay puro party, selfie at video games,” ani Aquino, chairman ng Committee on Youth.

Kailangan aniyang patunayan ng mga kabataan na mali ang ipinipinta sa kanilang imahe sa pamamagitan ng pagtulong sa pagpapaunlad ng bansa.

Inihalimbawa ng senador ang Gualandi Volunteer Service Program, Inc., isang non-government organization ng mga kabataan na nakabase sa Cebu City, na na­ngunguna sa paglaban sa pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihang may kapansanan sa pandinig.

Sinimulan ng grupo ang Break the Silence Network Project upang tulungan ang mga bata at kababaihang biktima ng pang-aabuso.

Binanggit din ng senador ang TC Youth Laboratory Cooperative ng Tagum City, na nagtuturo sa mga kabataan ng kahalagahan ng pagtitipid sa pamamagitan ng pagdadala ng bangko sa mga paaralan.

Ang dalawang grupong ito ay kabilang sa mga nagwagi sa 11th Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) awards noong nakaraang taon.

Ayon kay Aquino, mabibigyan din ng pagkakataon ang iba pang youth organizations na mapabilang sa mga nagwagi ng TAYO awards ngayong bukas na ang pagpapatala para sa TAYO 12 hanggang September 30, 2014.

Para sa katanungan, maaaring mag-text sa TAYO Secretariat sa 0917 TXT-TAYO (898-8296) o mag-e-mail sa [email protected].

 

AQUINO

BREAK THE SILENCE NETWORK PROJECT

CEBU CITY

GUALANDI VOLUNTEER SERVICE PROGRAM

SENADOR BAM AQUINO

TAGUM CITY

TAYO

TEN ACCOMPLISHED YOUTH ORGANIZATIONS

YOUTH LABORATORY COOPERATIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with