^

Bansa

Independence Day pangungunahan ni PNoy sa Naga

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Pangulong Aquino ang selebrasyon ng ika-116 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa Naga City.

Ayon kay Deputy Pre­sidential spokesperson Abigail Valte, nakaugalian na ng Pangulo na umikot sa iba’t ibang lalawigan para sa pagdiriwang ng Independence Day simula ng maupo itong Presidente.

“The President will lead the Independence Day celebration on June 12 at ang venue po naman natin ay sa Naga City, kung hindi po ako nagkakamali. Kung napansin ninyo po mula ng umupo po ho ang Pa­ngulong Aquino ay iniikot po natin ang ating mga celebrations ng Independence Day. Nagsimula po tayo sa Kawit (Cavite), tapos nagkaroon po tayo sa Tarlac,” ani Valte.

Pero hindi naman umano layunin ng Pa­ngulo na mag-tour sa bansa sa Araw ng Kalayaan at nais nito na mabigyan ng pagpapahalaga ang mga bayan na nagkaroon ng “special significance” para maging malaya ang bansa.           

Ang Pangulo ang ma­ngunguna sa flag raising ceremony at babalik sa Maynila upang pangunahan naman ang tradisyunal na “Vin d’ Honneur” o wine of honor.

ABIGAIL VALTE

ANG PANGULO

ARAW

DEPUTY PRE

INDEPENDENCE DAY

KALAYAAN

NAGA CITY

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with