^

Bansa

30 golf carts, e-bikes nabuking sa Bilibid

Lordeth Bonilla, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng lalong madiin ang ilang opisyal at prison guard ng New Bilibid Prison (NBP) matapos madiskub­re sa loob ng compound nito ang nasa 30 unit ng golf carts at electric bikes na ginagamit umano ng mga ito.

Base sa isang mapapagkatiwalaang impormante sa NBP, makikitang nakaparada ang golf carts at e-bikes sa gilid ng stage malapit sa opisina ng Escorting Unit at ginagamit umano ito ng mga itinuring na high profile inmates.

Kasama na umano sa mariing sinisiyasat ng Department of Justice (DOJ) kung sino ang nagbigay ng permiso na maipasok ang golf carts at e-bikes sa compound ng NBP at gamitin ng mga preso.

Dapat aniyang maging rehabilitasyon ang NBP hindi lugar upang gawin ang kanilang mga gawain noong sila ay nasa laya pa.

Una nang naging kontrobersyal ang ilang high-profile inmates ng Bilibid dahil sa pagpapa-confine sa ospital nang walang permiso ni Justice Secretary Leila de Lima.

vuukle comment

BILIBID

DAPAT

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESCORTING UNIT

JUSTICE SECRETARY LEILA

KASAMA

NEW BILIBID PRISON

POSIBLENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with