^

Bansa

‘White paper’ vs Binay pinasisiyasat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang grupong Scrap Pork Network sa Commission on Audit, Department of Justice at National Bureau of Investigation na imbestigahan ang nila­laman ng isang report na nagsasangkot sa pamilya ni Vice President Jejomar Binay sa kontrobersiyal na anomalya sa Priority Development Assistance fund (PDAF).

Mababasa ang report na pinamagatang Binay, Pork and Corruption sa <www.binaycorruption.blogspot.com>.

Hindi nakasaad ang pangalan ng awtor na nagpapakilala lang na isang residente ng Makati City.

Ayon kay Michelle Estor, isa sa mga taga­pagsalita ng grupo, likas na pampubliko ang PDAF kaya madaling matutukoy ang mga sangkot kung nanaising mapanagot ang mga ito.

Una nang tinukoy sa mga kontrobersyal na dokumento na, sa bisa ng Makati City ordinance 2008-132 at 2009-042, P12.6M umano ng PDAF ni Makati Rep. Marlen Abigail Binay ang inilaan umano sa opisina ng kanyang amang si VP Binay na noon ay Mayor pa ng Makati. 

Nailaan din umano ang PDAF ni Cong. Binay papunta sa Kasanib Foundation, isang NGO, P15M naman ang ipinasok umano na PDAF ni Cong. Binay sa Gabay at Pag Asa ng Masa Foundation, isang pekeng NGO umano.

Sinabi ng Scrap Pork Network na, base na lang sa report, maaari nang matunton kung may katotohanan ito o wala kaya naman umaasa umano sila na gagawin ng COA, DoJ at NBI ang kanilang tungkulin na suriin ito.

“Kayang i-trace ito ng COA, Ombudsman, DoJ at NBI dahil mayroong paper trail pero nakalulungkot na walang pag-aksyon dito ang mga ahensya,” sabi ni Estor.

BINAY

DEPARTMENT OF JUSTICE

KASANIB FOUNDATION

MAKATI CITY

MAKATI REP

MARLEN ABIGAIL BINAY

MASA FOUNDATION

MICHELLE ESTOR

SCRAP PORK NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with