Plebisito sa Chacha sabay sa 2016 polls
MANILA, Philippines - Sang-ayon si House Speaker Feliciano Belmonte na isabay na lamang sa 2016 elections ang plebisito sa isinusulong nitong Charter change para makatipid sa pondo.
Ayon kay Belmonte, maaaring isama sa balota ang isang katanungan kung papayag ang mga botante na amyendahan ang Konstitusyon para maisingit sa economic provisions ang katagang “ unless otherwise provided by lawâ€.
Subalit kung magkakaroon umano ng budget ang Commission on Elections para sa Chacha plebiscite sa 2015 ay mas makabubuti rin para maagang malaman ang hatol ng taumbayan.
Atubili naman si Belmonte na direktang hingin ang suporta ni Pangulong Aquino sa kanyang Chacha resolution kaya pinakikiramdaman na lamang umano nito.
Aminado ito na kahit sigurado siyang makukuha niya ang 3/4 vote requirement para sa kanyang resolution ay gusto pa rin nitong kakampi niya ang Pangulo.
- Latest





















