P1 M multa sa colorum bus epektibo sa Hunyo 19
MANILA, Philippines - Ipatutupad na sa Hunyo 19 ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang paniningil ng P1 million penalty sa mga colorum bus na mahuhuÂling namamasada sa bansa partikular sa Metro Manila.
Sinabi ni Engr. Ronaldo Corpus, board member ng LTFRB, bukod sa naturang halaga ay may kaakibat pa itong 3 buwan na pag-impound sa bus, pagkansela sa CPC, blacklisting, revocation ng vehicle registration para sa unang offense.
Sa ikalawang offense ay may katulad na parusa at multa, fleet cancellation at perpetual disqualification.
Umaabot naman sa P200,00 ang multa ng colorum na van at trak, P120,000 sa sedan o taxi at P50,000 ang multa ng colorum na jeep.
Sabi ni Corpus, round the clock ang kanilang mga tauhan sa pagbabantay sa mga lansangan para maÂtiyak na ‘di makakapasada ang mga colorum vehicles sa loob at labas ng Metro Manila.
- Latest
















