^

Bansa

5 generals, 14 pa kakasuhan sa missing 1,000 AK-47 rifles

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ang 19 na pulis kabilang ang limang heneral kaugnay ng nawawalang AK-47 assault rifles na napunta sa kamay ng mga rebeldeng New People’s Army sa Mindanao.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation Detection Group Chief P/Director Benjamin Magalong, kabilang sa kakasuhan sina PNP Region 3 director, Chief Supt. Raul Petrasanta; P/Chief Supt. Tomas Rentoy; P/Chief Supt. Regino Catiis; P/Senior Supt. Eduardo Acierto Jr.; ret. Police Director Gil Meneses; ret. Director Napoleon Estilles at iba pa. Sampu pang sibilyan ang kasama sa mga sasampahan ng kaso ng PNP-CIDG.

Ginamit umano ng NPA ang negosyanteng si Isidro Lozada para mabili ang mahigit 1,000 AK-47 sa isang gun shop sa Butuan City.

Natukoy rin sa imbestigasyon na ang Twin Pines Inc., isang lisensyadong importer ng mga armas at spare parts nito gayundin ang mga bala at shooting accessories ang nagbenta ng nawawalang AK-47 at M16 armalite rifles sa JTC Mineral Mining Corp. na nag-ooperate sa Caraga Region.

Pang-depensa umano ang naturang mga armas ng mga security personnel ng mining firm laban sa pag-atake ng NPA rebels at mga elementong kriminal sa rehiyon. Gayunman, sa gun check at inventory ng PNP ay nadiskubreng nawawala sa JTC ang nasabing mga armas.

 

BUTUAN CITY

CARAGA REGION

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION GROUP CHIEF P

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

DIRECTOR NAPOLEON ESTILLES

EDUARDO ACIERTO JR.

ISIDRO LOZADA

MINERAL MINING CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with