Aresto vs ‘pork’ solons namumuro
MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang motion for reconsideration na inihain nina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada at iba pang personalidad na isinasangkot sa pork barrel scam na sinampahan ng kasong plunder.
Ayon kay Ombudsman Morales, ang naturang mga mosyon ay kapareho lamang o pag-uulit lamang sa kanilang mga dating mga counter-affidavits kaugnay ng kaso.
“Evidently, the motions for reconsideration are rehashes of the arguments previously raised by them and already resolved by this Office,†nakasaad sa Joint Orders.
Ibinasura rin ng Ombudsman ang mosyon ni Janet Lim Napoles na bigyan ng immunity from suit. Hindi anya kwalipikado si Napoles na maging state witness dahil ito ay maituturing na pinaka guilty sa hanay ng lahat ng mga akusado kaugnay ng pork scam.
Hindi rin naman tiÂnanggap ng Ombudsman ang aplikasyon para sa immunity ni Technology Resource Center (TRC) Chief Dennis Cunanan, maging nina Rhodora Mendoza at Victor Roman Cacal dahil hindi na kailangan pa ang testimonya ng mga ito.
Niliwanag din ng OmÂbudsman na napatunaÂyan nilang may probable cause para kasuhan ang mga nabanggit sa pork scam at hindi bunga ng mga haka-haka at ispekulasyon kundi base sa mga sworn complaints, testimonies of witnesses, PDAF public documents, COA Report, business ledgers, corporate papers ng mga NGO ni Napoles, resulta ng mga field verification at pag-amin ng ilang mga respondents kaugnay ng kaso.
Binigyan naman ng extended immunity ni Morales mula sa criminal prosecution ang mga witness sa kaso na sina Benhur Luy, Marina Sula, Merlina Suñas, Mary Arlene Baltazar at Simonette Briones.
Naniniwala naman ang Malacanang na ang pagbasura ng Ombudsman sa apela ng 3 senador at iba pang sangkot sa pork barrel scam ay magiging daan upang tuluyang makamit ang hustisya at uusad na ang proseso ng hustisya.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, inaasahan ng Palasyo na patuloy ang gagawing pagbabantay ng taumÂbayan hanggang sa makamit ang katotohanan at hustisya.
- Latest





















