^

Bansa

Napoles kumambyo, P300M lang ang isosoli

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binawi ng kampo ni Janet Lim-Napoles ang kanilang naunang pahayag kaugnay sa plano nitong pagsasauli ng P2 bilyong halaga ng kayamanan mula sa kinita sa pork barrel fund scam.

Ayon kay Atty. Stephen David, tiningnan nila ang listahan ni Napoles at natuklasang P200 million hanggang P300 million lamang ang maisasauli ng kaniyang kliyente.

Ito kasi aniya ay kukunin lamang sa mga sa mga ari-arian na hindi nakasama sa freeze order ng korte.

Paliwanag ng abogado, ang naturang halaga ay naipautang ni Napoles sa ilang politiko na hindi na nila pinangalanan.

Pinabulaanan din nito ang isyu na ginamit pa ni Napoles ang kanyang mga kaibigan upang pag­lagakan ng kanyang mga perang nakuha sa pork scam.

Aniya, napautang na niya ang pera bago pa man pumutok ang pork barrel case.

vuukle comment

ANIYA

AYON

BINAWI

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

PALIWANAG

PINABULAANAN

STEPHEN DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with