Napoles higit P2-B ang kinita sa pork scam - Luy
MANILA, Philippines — Hindi lamang P2 bilyon ang kinita ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa pork barrel scam, ayon sa kampo ng whistleblower na si Benhur Luy.
Sinabi ng abogadong si Raji Mendoza na maliit ang inaalok ng kampo ni Napoles na ibabalik sa gobyerno bilang pakikipagtulungan sa imbestigasyon.
"Maaaring napakaliit po n'yang ino-offer niya na 'yan," wika ni Mendoza sa kanyang panayam sa dzMM ngayong Miyerkules.
Kaugnay na balita: Immunity ni Napoles nakasalalay sa Ombudsman – De Lima
"Siguro isipin na lang din natin na hindi naman din iba ang scam na involved s'ya so mali ata 'yang computation na 'yan.â€
Kahapon ay sinabi ng kampo ni Napoles na handa nilang isauli ang P100 milyon hanggang P200 milyon bilang lima hanggang 10 porsiyentong kinita ni Napoles sa pork scam.
Aminado si Mendoza na mahihirapang matiyak kung magkano talaga ang kinita ni Napoles lalo na't nakapagdeposito na ang negosyante sa kanyang mga foreign banks at nakabili na ng iba't ibang arian sa ibang bansa.
Kaugnay na balita: Pagsasauli ng kinita ni Napoles: Ombudsman na bahala - Malacañang
Nauna nang sinabi ni Luy na minsan ay inilalagay nila ang pera sa bathtubs dahil sa dami nito at wala ng mapaglagyan pa.
- Latest